^

Metro

Higit 9K Manilenyo nakatanggap na ng 2nd booster

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa kabuuang 9,051 Manilenyo na ang nabakunahan ng 2nd booster shot kontra COVID-19 sa nagpapatuloy na ‘vaccination drive’ ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Sa datos mula sa Manila City Health Department, nasa 1,679 indibiduwal ang pinakahuling nakapagpaturok ng ikalawang booster shot nitong Mayo 23 (Lunes).

Maaaring makapagpaturok ng ikalawang booster ang mga health workers, senior citizens at mga immunocompromised na indibiduwal sa anuman sa 44 na health centers, anim na district hospitals, at maging sa piling malls tulad ng SM City Manila, SM City San Lazaro, Robinsons Place Manila at Lucky Chinatown Mall.

Umabot naman sa 554,856 indibiduwal na ang nababakunahan ng MHD ng unang dose ng booster shot. Pinakahuling nabakunahan ang nasa 1,370 tao nitong Mayo 23.

Bukod sa nagpapatuloy na bakunahan ng 1st at 2nd booster, inihayag din ng pamahalaang lungsod na nahigitan na nila o lagpas na sa 100% ng kanilang target ang nakakumpleto na ng primary dose ng COVID-19 vaccines.

Nasa kabuuang 1,705,836 indibiduwal na ang fully vaccinated sa Maynila na higit na mataas sa naita­lang populasyon na 1,065,149 ng Commission on Elections, at maging sa tantiyang populasyon na 1,351,487 ng Department of Health (DOH).

vuukle comment

BOOSTER SHOT

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with