^

Metro

Sunog sa Maynila: Higit 300 pamilya nawalan ng tahanan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sunog sa Maynila: Higit 300 pamilya nawalan ng tahanan
Nagbakasakali ang mga residente na makakuha pa ng mapapakinabangang materyales matapos masunog ang kanilang mga bahay sa Baseco compound sa Maynila.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Mahigit 300 pamilya ang nawalan ng kanilang tirahan makaraang isang malaking sunog ang su­miklab sa isang residential area sa Port Area, Maynila nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Manila Fire Department, bandang alas-7:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa dalawang palapag ng bahay sa Block 17 Old Site, Baseco sakop ng Brgy. 649, Port Area.

Dakong alas-7:40 ng gabi nang ideklara ang unang alarma pero dahil sa pawang gawa sa light materials ang mga katabing kabahayan, uma­bot ang sunog sa ikaapat na alarma dakong alas-8:31 ng gabi.

Nagkaroon naman ng tensyon sa lugar nang isang barko na nakaparada sa gilid ng Manila Bay ang hindi makaalis dahil sa nakasadsad dulot ng low tide.

Tumulong na rin ang Philippine Coast Guard sa pag-apula sa apoy para hindi ito umabot sa barko. Alas-9:36 na ng gabi nang makontrol ng mga bumbero ang apoy at tuluyang naapula dakong alas-12:02 ng hatinggabi.

Masuwerteng walang nasaktan o nasawi sa insidente. Nagsisiksikan ngayon ang 300 pamilya sa Baseco Evacuation Center at nananawagan ngayon ng tulong sa lokal at nasyunal na pamahalaan.

Patuloy naman na na­ngangalap ng testimon­ya at ebidensya ang BFP sa pinagmulan ng apoy.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with