^

Metro

50 pamilya nasunugan sa Navotas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 50 pamilya mula sa Navotas ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area, kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat, dakong alas-6:50 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa kung saan mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan na pawang gawa sa light materials. Inaalam ng BFP kung saan bahay nagmula ang sunog dahilan nito.

Agad iniakyat ng Navotas Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog sa unang alarma kung saan idineklarang fire under control dakong alas-7:54 ng gabi.

Tuluyang naapula ang apoy makalipas ang halos dalawang oras habang wala namang napaulat na nasawi o nasaktan sa naturang insidente.

Pansamantalang nanunuluyan sa basketball court sa naturang barangay at sa kanilang mga kaanak ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog.

Kaagad namang naghanda ang pamahalaang lungsod ng hot meals, mga food packs, hygiene kits, at slee­ping kits na ­ipamimigay sa mga pamilyang apektado ng sunog sa Sitio Puting Bato sa Brgy NBBS Proper.

 

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with