Pagbubukas ng Dolomite Beach, iniurong ng DENR sa Hunyo 3
MANILA, Philippines — Ipinagpaliban ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang muling pagbubukas ng Manila Baywalk Dolomite Beach sa susunod na buwan.
Matatandaang ang reopening nito ay nakatakda sana sa Mayo 20 ngunit malaunan ay nagpasya ang DENR na iurong ito ng dalawang linggo pa, o sa Hunyo 3, 2022 na lamang.
Paliwanag ng DENR, may ilang imprastraktura sa lugar na kailangan pa nilang tapusin.
Kinakailangan pa rin umanong magsagawa ng paglilinis sa lugar, partikular na sa bahaging malapit sa US Embassy.
Nais din umanong matiyak ng DENR ang kalinisan at kaligtasan ng tubig ng Manila Bay bago ito muling buksan sa publiko.
Matatandaang ang naturang dolomite beach ay unang binuksan sa publiko noong Setyembre 2020.
- Latest