^

Metro

Land title ng housing units sa Quezon City, nailipat na sa 66 pamilyang benepisyaryo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Land title ng housing units sa Quezon City, nailipat na sa 66 pamilyang benepisyaryo
Tinanggap ng mga benepisyaryo ang kanilang mga titulo, kasabay ng paglagda ng Deed of Donation and Acceptance para sa open spaces sa pangu­nguna nina QC Mayor Joy Belmonte at Mr. Raymond Ciriaco, chairman of the board of trustees ng Children International (Unang Lingap Kapwa Phils. Inc.).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pormal nang nailipat sa 66 na pamilyang benepisyaryo ang titulo ng housing units mula sa Children International sa Damong Maliit, Bgy. Nagkaisang Nayon, ­Quezon City.

Nabatid na nai-turnover na rin sa Quezon City government ang mga open spaces sa lugar.

Tinanggap ng mga benepisyaryo ang kanilang mga titulo, kasabay ng paglagda ng Deed of Donation and Acceptance para sa open spaces sa pangu­nguna nina QC Mayor Joy Belmonte at Mr. Raymond Ciriaco, chairman of the board of trustees ng Children International (Unang Lingap Kapwa Phils. Inc.).

Kasama rin nila si Atty. Jojo Conejero ng Hou­sing Community Development and Resettlement Department at ilang kasapi ng Unang Lingap Kapwa Homeowners Association.

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng lubos na pasasalamat ang pamunuan ng QC LGU sa Children International sa ipinagkaloob nilang housing units para sa mga benepisyaryo ng programa, at open spa­ces naman para sa lokal na pamahalaan.

“Makakaasa po kayo na pangangalagaan at pananatilihing maayos at kapaki-pakinabang para sa QCitizens ang inyong donasyon,” ayon sa QC LGU sa isang pahayag.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with