Campaign poster, tarps irerecycle sa Caloocan
MANILA, Philippines — Inihayag ni Caloocan City Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) at City Environmental Management Department (CEMD) chief Engr. Jay Bernardo na dadalhin sa recycle center ang mga tarpaulins at campaign posters na binaklas at tinanggal sa lungsod.
Ayon kay Bernardo, i-rerecyle ang mga tarpaulins at campaign posters na maaaring gawing bag at basahan na dagdag kita naman sa mga mamamayan ng Caloocan.
Idinagdag pa nito na plano niyang palakasin ang recycle center sa lungsod upang mas mahikayat pa ang mga residente na maging creative at magkaroon ng dagdag hanapbuhay.
Dalawang araw matapos ang halalan ay agad na inutos ni Bernardo ang paglilinis at pagtatanggal ng mga campaign posters upang hindi na maka abala sa mga motorista.
Aniya, umaabot sa 10 toneleda ang kanilang nakuhang mga campaign paraphernalia sa South at North Caloocan. Kinailangan pang gamitan ng tubig at eskoba ang mga posters na nakadikit sa pader.
- Latest