^

Metro

Kinarnap na motorsiklo ipinaskil sa FB, 4 arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kinarnap na motorsiklo ipinaskil sa FB, 4 arestado
Kinilala ni QCPD Director, PBGEN Remus Medina ang mga nadakip na suspek na sina Ri­chard Agnote Ryan, 32; Renz Barredo, 22; Arnold Natividad, 48 at Ronvir Agustin Gebilaguin, 33.
Boy/ Santos/ File

MANILA, Philippines — Apat na lalaki na hinihinalang motornapper ang nadakip nang i-post sa Marketplace ng Facebook ang tinangay nilang motorsiklo mula sa isang waiter, habang nakatakas naman ang isa pa nilang kasamahan matapos na makipagbarilan pa sa   mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Cavite, kamakalawa.

Kinilala ni QCPD Director, PBGEN Remus Medina ang mga nadakip na suspek na sina Ri­chard Agnote Ryan, 32; Renz Barredo, 22; Arnold Natividad, 48 at Ronvir Agustin Gebilaguin, 33.

Tinutugis pa naman ng mga pulis ang isa pang suspek na si John Zacarie Lasam Casauay matapos na makatakas.

Ang mga suspek ay inaresto matapos umanong tangayin ang motorsiklo ng biktimang si Jayson Claraval, binata, 26, waiter, ng Brgy. Tatalon, Quezon CIty.

Batay sa ulat ng QCPD, nabatid na dakong alas-3:30 ng madaling araw nang madakip ng mga tauhan ng Galas Police Station PS-11, sa pangunguna ng station commander na si PLTCOL Richard Ian Ang, ang mga suspek sa General Trias, Cavite.

Sa imbestigasyon ni PCpl Ryan Guiquing, dakong alas-12:20 ng madaling araw ng May 11, nang iparada ng biktima ang kaniyang motorsiklong Mio Sporty na kulay itim sa harapan ng Northline Hardware sa Cabalata St., Brgy. Tatalon, Quezon City, ngunit nang balikan ay nawawala na ito.

Ilang oras lamang ang nakalipas ay nakita umano ng biktima ang kaniyang nawawalang motorsiklo na agad nang naka-post na “for sale” sa Facebook FB Marketplace at ibinebenta sa halagang P23,500 lamang.

Nang matiyak na pag-aari ng biktima ang ibinebentang motorsiklo sa FB ay agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba ng PS -11 at nakipag-transaksiyon sa mga suspek na nagresulta sa pagkaka-aresto ng mga ito sa Gen. Trias.

Nagawa namang makatakas ni Casauay matapos na makipagbarilan sa mga pulis.

Ang mga suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 10883 o The New Anti-Carnapping Law of the Philippine.

vuukle comment

REMUS MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with