^

Metro

Liwasang Aurora sa Quezon City Circle, ‘di magagamit sa ‘Thanksgiving activity ‘ni VP Robredo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi pinayagan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na gamitin ang Liwasang Aurora sa Quezon Memorial Circle para gawing venue ng ‘Thanksgiving’ activity ni Vice President Leni Robredo.

Ayon sa  Quezon City Department of Public Order (QCDPO), kinausap nila ang organizer ng “Tayo ang Liwanag; Isang Pasasalamat” at ipinaliwanag na hindi maaring gamitin ang QMC.

Paliwanag ng QCDPO, dahil marami ang lalahok sa aktibidad, tiyak na magdudulot lamang ito ng ma­tinding trapik lalo’t weekday gagawin ang naturang aktibidad.

Target ng organizer na gawin ang ‘Thanksgi­ving’,  ngayong Biyernes, Mayo 13. Bukod sa trapik, magdudulot din ito ng pagka-stranded ng mga pasahero.

Sa halip na sa QMC, sa Ateneo de Manila University sa Loyola Heights, Quezon City na lamang gagawin ang pagpapasalamat. Ayon sa QCDPO, naunawaan naman ng organizer ang desisyon ng lokal na pamahalaan.

vuukle comment

QCDPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with