^

Metro

Bagong halal na alkalde sa CAMANAVA naiproklama na rin

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pormal nang iprinoklama ng mga election offi­cers sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) ang mga bagong halal na mga alkalde matapos ang  halalan noong Lunes.

Sa Malabon, nanalong alkalde si  dating vice Mayor Jeannie Sandoval na nakakuha ng  94,826 boto laban sa katunggali na si councilor Enzo Oreta. Nanalo din ang  katandem ni  Sandoval na si  Ninong  dela Cruz na may 98,060 boto.

Landslide naman sa Navotas ang Partido Navoteño matapos na iproklama ng Comelec City Board of Canvassers sina  Congressman John Rey Tiangco na may botong 80,908 bilang bagong Mayor ng  lungsod at Tito Sanchez, 84,065  votes bilang  vice mayor. Nanguna rin si Mayor Toby Tiangco sa congressional race na may 79,505 votes habang si Congressman John Rey Tiangco dominated the mayoral bid na may 80,908 votes.  

Sa Valenzuela, proklamado na rin Deputy Speaker Wes Gatchalian bilang  nanalong alkade sa lungsod  matapos na makakuha ng  275,650 votes. Papalitan ni  Wes sa puwesto ang kanyang kapatid na si Rex na nanalo namang  District 1 representative sa botong 141,794. Muli namang nanalo sa pagkabise alkalde si

Vice Mayor Lorie Natividad-Borja with 257,530.

Nagpasalamat sa kani-kanilang mga costituents at taga suporta ang mga bagong halal na local officials.

Hanggang sa ngayon ay hinihintay, pang ­iproklama si Congressman Dale ‘Along’ Malapitan bilang  bagong mayor ng Caloocan City gayundin ang kanyang  running mate na si Katrina Teh bilang  vice mayor.

vuukle comment

CAMANAVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with