^

Metro

P328K marijuana nasabat ng BOC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot sa P328,900 halaga ng high-grade  marijuana ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) na nagresulta rin sa pagkakadakip sa dalawang suspek na tumanggap ng package sa Muntinlupa City nitong Mayo 2.

Nasabat  ng BOC sa Port of Clark ang nasa 253 gramo ng Kush buhat sa Nashville, Tenessee, USA.  Dumating ang shipment nitong Abril 22 na idineklarang “tea french press, made out of tree leaves”.
Isinailalim ito sa X-ray scanning na nakitaan ng organikong bagay saka isinailalim sa physical ­examination kaya tumambad ang ilegal na droga na nakalagay sa dalawang pakete.

Nagkasa naman ang BOC at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng ‘controlled delivery’ sa nakasaad na address ng consignee sa Muntinlupa City nitong Mayo 2 na nag­resulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek na ikinubli muna ang mga pagkakakilanlan.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10863 o Customs Modernization Act.

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with