^

Metro

Sunog sa UP: 8 patay; 3 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Sunog sa UP: 8 patay; 3 sugatan
Bukod sa walong nasawi, aabot sa 250 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na sumiklab sa UP sa Diliman,Quezon City kahapon.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Walong katao ang kumpirmadong nasawi, habang tatlong iba pa ang nasugatan sa  sunog na sumiklab sa isang residential area sa Brgy. UP Campus, Diliman, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Hindi pa muna pinangalanan ang mga nasawing biktima na kinabibilangan umano ng isang ina at kanyang dalawang anak, dalawang senior citizen, isang may kapansanan at dalawang iba pa.

Samantala, ang tatlong sugatan naman ay nalapatan na ng lunas at nasa maayos nang kalagayan.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP)-National Capital Region (NCR), dakong alas-5:20 ng madaling araw nang maganap ang sunog sa dalawang palapag na tahanan, na matatagpuan sa Emplo­yees Village A, sa Brgy. UP Campus.

Ang naturang tahanan ay pagma-may-ari umano ng isang Apolinario Almo at inookupahan ng pamilya ni Marie Antonette Almo Agutay.

Sinasabing ang sunog sa silid na inookupahan ni Emirys Richard Artuge.

Nabatid na kabilang sa mga nasawi ang anim na kamag-anak ni Maria Alea Evangelista, na hindi napigilang maiyak nang malaman ang sinapit ng mga kapamilya.

“Ang buong pag-asa kasi siguro noong mag-iina, kaya tumakbo doon sa itaas, sa bahay ng tiyahin ko, ang pag-asa nila, hindi aabutin [ng sunog] ‘yong bahay. Doon sila na-trap kasi wala na pong daanan,” kwento ni Evangelista.

Ayon naman kay Fire Senior Insp. Jose Felipe Arrea ng BFP-Quezon City, sunog na sunog ang mga bangkay at hindi na makilala ang mga ito.

“Hindi na po natin sila makilala kasi charred beyond recognition po sila. ‘Yong anim po nag-umpukan doon sa passage way, doon sila na-trap,” aniya pa.

Aabot sa 250 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na tumupok sa tinatayang aabot sa may 80 kabahayan.

Umabot ng ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naideklarang fire out dakong alas-6:35 ng umaga at tuluyang naa­pula dakong alas-7:00 ng ­umaga.

Inaalam pa naman ng mga imbestigador kung ano ang sanhi ng sunog.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with