^

Metro

Pharmally exec inulan ng tambak na kaso

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong disqualification case, 290 counts ng vote-buying, plunder hinggil sa kaugnayan sa maano­malyang Pharmally, reklamo sa AMLC at posibleng karagdagang kaso tungkol sa kwes­tyunableng paggamit ng diumano’y private army sa kampanya. Ilan lamang ito sa mga kaso na ipinukol kay 5th District Quezon City congressional candidate Rose Lin.

Nauna nang nagpa­labas ng subpoena ang Commission on Elections (Comelec) upang pagpaliwanagin si Lin sa mga inihaing kaso laban sa kanya. Nakatakda ngayong Mayo 6 at 16 ang preliminary investigations laban kay Rose Nono Lin. Nauna nang itinanggi ni Lin ang akusasyon.

Nakapaloob sa mga formal complaint ang mga ebidensya na nagpapakita ng aktuwal na pamimili ng boto ng mga kampo ni Rose Lin, kasama na ang mismong pag-amin nito sa kanyang mga Facebook Live tungkol sa ginagawang sistema upang makapagpamahagi ng pera na itinatago sa likod ng ayuda at scholarship.

Kasama sa mga inihabla ang mga “kasab­wat” ni Lin kung saan ang ilan sa kanila ay mga nakaluklok na barangay kagawad ng Distrito 5 na mahigpit na ipinagbabawal ng DILG. Sila ay inaakusahang pumapayag gawing kuta, lungga o kubol ang kanilang mga bahay sa mga operasyong bili boto sa Novaliches, Lagro at Fairview.

Sa pahayag ni Commissioner George Erwin Garcia, ang kaso kay Rose Lin ay magsisilbing babala sa iba pang pulitikong bumili ng boto ngayong papalapit na ang halalan. Patuloy pa rin ang field monitoring sa District 5 ng regional officers ng NBI sa kautusan naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra. Ka­makailan lang nagpahayag si Police Major General Val de Leon, Deputy Commander ng Security Task Force on National and Local Elections, na paiimbestigahan ang paggamit ng private army ni Rose Lin.

Si Rose Lin ay nauna na ring ginisa sa Senado tungkol sa Pharmally scam.

vuukle comment

AMLC

COMELEC

VOTE BUYING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with