4 na Chinese ikinulong, sapilitang pinagtrabaho nasagip
MANILA, Philippines — Apat na Chinese ang nasagip ng Parañaque Police makaraang ikulong at sapilitang pagtrabahuhin bilang POGO workers sa Parañaque City, kamakalawa.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang mga nasagip na biktima na sina Zhang Dedi, 26; Mo Jun Feng, 33; Chen Shi Ying, 25; at Huang Zhi Ping, 32.
Abril 28, nang magpasaklolo sa mga awtoridad ang isang Yellah Monares, dahil sa pagkawala ng live-in partner niyang si Zhang Dedi simula Marso 31, 2022.
Sa impormasyong ibinigay ni Monares, alas-11:30 ng gabi ng Abril 28 nang salakayin ang First Great Place Technologies sa Pascor Drive, Barangay Sto. Nino, Parañaque, kung saan hindi umano pinalalabas ang biktima at iba pang kasamahan na pinagtatrabaho nang walang suweldo.
Nadatnan ng mga awtoridad ang mga biktima at inaresto rin ang tatlong diumano’y operator ng POGO na kinilalang Henry Saputra, 33,Indonesian; Jacky Chen, 25, at Luo Bo, 26, kapwa rin Chinese na pawang hinihinalang peke ang ibinigay na mga pangalan.
“Despite our warning, foreign nationals continue to get involved in unlawful detention incidents. It is high time that we strengthen collaboration with our foreign agency counterparts and intensify our intelligence gathering to diminish these scheming plans and address kidnapping/illegal detention incident and other forms of lawlessness particularly victimizing their compatriots,” ani Macaraeg.
- Latest