^

Metro

P4 milyon inilagay sa baby bottle sterilizer, nasabat sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P4 mil­yong halaga ng shabu na itinago sa baby bottle sterilizer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong nakaraang Huwebes.

Sinabi ni Port of NAIA District Customs Collector Mimel Talusan, dakong alas-8:20 ng gabi nang maaresto ang isang residente ng Pasay City kasama ang isang Nigerian national matapos matanggap ang package sa Marcos Alvarez Avenue kanto ng Veraville Homes, Talon Singko, Las Piñas City.

Hindi pinangalanan ng mga awtoridad ang dalawang suspek habang iniimbestigahan ang mga ito. 

Ayon kay Talusan, ang pakete ay unang natuklasan ng Bureau of Customs nang isalang ito sa x-ray scanning na nagbunga ng mga kahina-hinalang larawan. Kasunod nito, ang pakete ay sumailalim sa 100% na pisikal na pagsusuri. Nakita ng nakatalagang Customs Examiner ang 588 gramo ng puting crystalline substance na nakabalot sa aluminum foil at nakatago sa loob ng baby bottle steri­lizer at dryer.

Sa rekord, nanggaling ang package sa Laos at idineklarang ‘electric steamer’. Nagpositibo na shabu ang item nang isailalim sa chemical test ng PDEA.
Isinasailalim na sa imbes­tigasyon ang nadakip na suspek na nakatakda ring sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Patuloy na palalakasin ng Bureau of Customs sa pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ang inter-agency cooperation at coordination para masugpo ang paglaganap ng ilegal na droga sa hangganan ng bansa. — Danilo Garcia

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with