^

Metro

Libreng sakay ng MRT-3, extended pa ng 1 buwan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Libreng sakay ng MRT-3, extended pa ng 1 buwan
Commuters queue for the free ride at the MRT-3 North Avenue Station in Quezon City on March 28, 2022. The MRT-3 offers free rides to commuters for a month, starting March 28 to April 30, following the completion of the rehabilitation project of the train system and as part of the government’s effort to help ease the commuters' financial burden.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Pinalawig pa ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Department of Transportation (DOTr) ng isang buwan ang libreng sakay na ipinagkakaloob nila sa mga train commuters.

Sa paabiso ng MRT-3, nabatid na sa halip na hanggang Abril 30, 2022 lamang, ang naturang libreng sakay program ay magtatagal na hanggang sa Mayo 30, 2022.

“Passengers will be able to continue enjoying free rides at the rehabilitated MRT-3 line until 30 May 2022, anytime between the rail line’s ope­rating hours from 4:40 a.m. and 10:10 p.m.,” ayon sa anunsyo ng MRT-3.

Nabatid na hanggang noong Abril 26 ay umaabot na sa kabuuang 7,227,434 pasahero ang kanilang napagsilbihan sa kanilang free ride program, na sinimulan noong Marso 28, 2022.

Samantala, ayon naman kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ang eks­tensiyon o pagpapalawig ng libreng sakay ay naglalayong makatulong na mapagaan ang financial burden ng mga commu­ters, na balik na sa onsite work, ngayong panahon pa namang tumataas ang implasyon at presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa panig naman ni MRT-3 OIC-General Ma­nager at Director for Operations Michael J. Capati, sinabi nito na ang pagtaas ng ridership ng MRT-3 na dulot ng implementasyon ng libreng sakay at pagbabalik sa on-site work ng mga manggagawa, ay nakatulong sa kanila upang masubukan pa ang kapasidad at performance ng kanilang mga tren matapos ang isinagawang massive rehabilitation dito.

Ang MRT-3 na bu­mabagtas sa kahabaan ng EDSA, ang siyang nag-uugnay sa Taft ­Avenue, Pasay City at North ­Avenue, Quezon City.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with