^

Metro

P.5 milyon nasabat ng SPD

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Halos P500,000 halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) sa magkahiwalay na anti-drug operations sa Muntinlupa at Taguig City na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong hinihinalang ‘tulak’ ng iligal na droga.

Sa ulat ng Taguig City Police, dakong alas-3 ng Martes ng madaling araw nang mada­kip ng kanilang Drug Enforcement Unit ang suspek na si Aldrin Gabriel, 53-anyos, sa may Brgy. North Signal, ng naturang siyudad nang hainan siya ng search warrant.
Nasabat sa suspek ang 23 plastic sachet na naglalaman ng nasa 23.2 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P157,760.00.

Nauna rito, dakong alas-11 ng Lunes ng gabi nang maaresto naman ng mga anti-drug operatives ng Muntinlupa City Police sa may Purok 2 Brgy. Bayanan ang mga suspek na sina Annrick Sarsonas, 25 at Wen Wright Conde, 28, sa ikinasang buy-bust operation.

Humigi’t kumulang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.00 ang nasabat sa mga suspek ng mga pulis.

Nakaditine na sa mga custodial jail ng mga nabanggit na istasyon ng pulisya ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

SOUTHERN POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with