^

Metro

Chinese na dinukot ng kanyang kababayan, nasagip

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Chinese national ang sapilitang isinama ng tatlong kababayan upang mamasukan bilang POGO worker ang sinagip ng mga awtoridad matapos na magpasaklolo ang kaniyang kasintahan sa Parañaque City, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig.General  Jimili Macaraeg  ang biktimang si Qu Xuesong, 35, na nagsabing pinangakuan na bibigyan ng disenteng trabaho noong Abril 18, 2022.

Sinundo ang biktima ng 3 suspek na pawang Chinese nationals sa harap ng Arista Homes, Parañaque City at dinala siya sa Factor Compound, Brgy. Don Galo, Parañaque City at sapilitan siyang pinagta-trabaho bilang POGO concessioner.

Ayaw ng biktima sa trabahong ibinibigay sa kaniya kaya’t nakagawa ng paraan na matawagan ang boyfriend na si Chunqiang Wu, 31, na nanunuluyan sa Binondo, Maynila na tumawag sa mga suspek na pakawalan ang nobya at kung hindi ay isusuplong sa pulisya.

Sagot umano ng mga suspek, magbayad siya ng P400,000  kapalit ng kalayaan ng nobya na tumanggi naman si Wu dahil wala siyang pera.

Humingi ng tulong si Wu sa Parañaque Police  kung saan nga namang sumalakay sa lugar na nabanggit.

Hindi na inabutan ang mga suspek sa nasabing lugar at nakitang mag-isa na lang ang biktima na hindi naman sinaktan.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with