^

Metro

Higit 2.6 milyong train commuters nakinabang sa libreng sakay ng MRT-3

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakapagtala na ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng kabuuang 2,666,033 pasahero na napagserbisyuhan nila sa kanilang ipinatutupad na libreng sakay.

Ayon sa MRT-3, ang naturang datos ay naitala mula Abril 4 hanggang 12, 2022 lamang.

Sinabi ng MRT-3 na naitala ang pinakamataas na bilang ng mga kom­yuter noong Abril 8, 2022, kung kailan nasa kabuuang 335,993 pasahero ang napagserbisyuhan ng MRT-3.

Upang mas marami pa namang pasahero ang mapagserbisyuhan ng linya, sinimulan na rin ng pamunuan na mag-deploy ng isa pang 4-car CKD train set, pandagdag sa 18 na 3-car at dalawang 4-car CKD train sets na tumatakbo sa mainline.

Nabatid na ang isang bagon ay kayang makapagsakay ng 394 na pasahero, o 1,186 na pasahero kada 3-car train set. Ang 4-car train set naman ay kayang makapagsakay ng 1,576 na pasahero.

Tiniyak din ng MRT-3 na tuluy-tuloy rin ang pagpapatupad ng minimum health protocols upang maiwasan ang sakit na COVID-19 sa buong linya, gaya ng pagbabawal sa pagkain, pag-inom, pakikipag-usap sa te­lepono, at pagsasalita sa loob ng mga tren.

Mahigpit ding ipinatutupad ang pagsuot ng face mask samantalang boluntaryo ang pagsuot ng face shield.

Nasa ikatlong linggo na ngayon ang programang libreng sakay ng MRT-3, na magtatagal hanggang Abril 30, 2022.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with