^

Metro

4 arestado sa 2 kilo ng marijuana

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
4 arestado sa 2 kilo ng marijuana
Nakilala ang mga suspek na sina Arman Estopin, 32; Bryan Gar­sola, 27; Marvin Candazo, 30; at Rene Tolentino, 60, pawang mga taga-Tondo, ng naturang siyudad.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasa dalawang kilong pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa apat na lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Tondo, Maynila nitong Huwebes ng gabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Arman Estopin, 32; Bryan Gar­sola, 27; Marvin Candazo, 30; at Rene Tolentino, 60, pawang mga taga-Tondo, ng naturang siyudad.

Sa ulat ng MPD- Moriones Police Station 2, dakong alas-10:30 ng gabi nang magkasa ang Drug Enforcement Team ng buy-bust operation sa kanto ng Moriones at Wagas St. sa Brgy. 46, Tondo.

Nagawang makabili ng isang pulis na nagpanggap na buyer ng isang plastic sachet ng marijuana.

Nang tanggapin ng tulak ang P500 marked money, dito na kumilos ang mga pulis na pinaligiran ang lugar at inaresto ang apat na suspek.

Nakumpiska sa ka­nila ang limang malala­king plastic sachet na naglalaman ng marijuana na may timbang na dalawang kilo at nagkakahalaga ng P240,000.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong pag­labag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with