^

Metro

Kelot na-sandwich ng 2 trak, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Agad na nasawi ang isang lalaki makaraang mapitpit ng dalawang dambuhalang trak habang nagkakabit ng GPS (global positioning satellite) sa likuran ng isa sa mga behikulo, sa may Port Area, Maynila, kahapon ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Jay Mark Kee, 22, nakatira sa Gen Tinio St., Brgy 132 Bagong Barrio Caloocan City.

Hawak naman ngayon ng Manila District Traffic Enforcement Unit ang mga tsuper ng dalawang trak na sina Marvin Canuel, 25, ng Maragondon, Cavite at Mateo Solano Jr., 34, ng Sucat, Muntinlupa City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, magkasunod na nakaparada ang Fuso trailer truck na minamaneho ni Solano at Isuzo trailer truck ni Canuel sa may Delgado Street malapit sa kanto ng 24th St., sa Port Area, Maynila nang maganap ang insidente dakong alas-12:20 ng hapon.

Nagkakabit umano ng GPS sa puwitan ng trak ni Solano si Kee nang sumampa sa kaniyang trak si Canuel. Bigla umanong umabante ang nasa hulihang trak dahilan para mapitpit si Kee sa pagitan ng dalawang sasakyan.

Isinugod pa ng ambulansya sa Philippine General Hospital si Kee ngunit hindi na ito umabot pang buhay.

vuukle comment

TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with