^

Metro

Balik-ruta ng provincial buses ginhawa sa mga pasahero

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Balik-ruta ng provincial buses ginhawa sa mga pasahero
Commuters riding a bus in La Union observe physical distancing on May 13, 2020.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinapurihan ng PASAHERO Partylist ang naging hakbang ng gobyerno na ibalik sa normal na operasyon ang mga provincial bus sa EDSA na halos dalawang taon ding nagpahirap sa mga mananakay sa Kalakhang Maynila.

“Malaking kaginhawahan ito sa ating mga kababayan. Dalawang taon ding nagdanas ng matin­ding pahirap ang atin mga kababayang bumibiyahe papasok at palabas ng Metro Manila dahil nga sa kawalan ng mga bus sa EDSA, kaugnay ng mga ipinatutupad na guidelines ngayong pandemya,” ayon kay PASAHERO founder Robert Nazal.

Reaksyon ito ni Nazal matapos ipahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpapatupad sila ng dalawang linggong dry run na magbabalik sa ruta ng mga provincial bus sa EDSA na nagsimula nitong Marso 24 mula ng alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Ayon pa kay Nazal, napakahalagang maibalik sa normal ang biyahe ng provincial buses sa EDSA dahil malaking tulong ito sa mga mahihirap na pasahero na wala namang sariling sasakyan.

Ayon naman kay PASAHERO co-founder Allan Yap, dahil naibalik na ang provincial buses sa EDSA, napakaraming mananakay ang tiyak na makikinabang, lalo pa’t unti-unti nang nagbubukas ang ekonomiya at nasa Lenten rush ang bansa.

Layon ng PASAHERO o ang Passengers and Ri­ders Organization Inc., na maikatawan sa Kongreso ang mga pasahero ng iba’t ibang transportasyon tulad ng mga sasakyang pandagat, panghimpapawid at panlupa. Gayundin ang mga tricycle drivers and operators sa buong bansa na anila’y talagang hinagupit nang husto ng pandemya.

vuukle comment

BUS

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with