^

Metro

Bangkay ng bebot isinako, lumutang sa Manila Bay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bangkay ng bebot isinako, lumutang sa Manila Bay
Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11 ng umaga nang madiskubre ang lumulutang na sako sa gilid ng isang barge sa Manila Bay sa Ramp 1 Ocean Transport Shipyard na nasasakupan ng Brgy. Vitas, Tondo. Agad itong iniulat sa mga awtoridad at nang tignan ay tumambad  ang laman ng sako ng isang babae.
PSN/File

MANILA, Philippines — Narekober ng mga awtoridad ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang babae na isinilid sa isang sako at itinapon sa Manila Bay sa bahagi ng Tondo, Maynila, nitong nakaraang Huwebes.

Patuloy na inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan sa biktima na tinatayang nasa pagitan ng edad 50-60 taong gulang, nakasuot ng itim na legging pants, itim na damit na may polka dots, at may tattoo sa kanang balikat ng pangalang “Edgar at Joy”.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11 ng umaga nang madiskubre ang lumulutang na sako sa gilid ng isang barge sa Manila Bay sa Ramp 1 Ocean Transport Shipyard na nasasakupan ng Brgy. Vitas, Tondo.
Agad itong iniulat sa mga awtoridad at nang tignan ay tumambad  ang laman ng sako ng isang babae.

Sa pagsusuri ng mga imbestigador, isang malaking sugat sa ulo ang nakita sa bangkay ng biktima.  Dinala na ito sa Cruz Funeral Morgue para sa awtopsiya at pag-iimbak sa katawan habang nanawagan ang pulisya sa mga posibleng kaanak na kilalanin ito.

 

vuukle comment

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with