^

Metro

Nadakip na drug suspect, nabukong miyembro ng ASG na dawit sa kidnapping at Lamitan siege

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Southern Police District (SPD) director P/Brig. General Jimili Macaraeg na isang miyembro ng Abu Sayyaf Group na sangkot sa kidnapping at Lamitan siege ang naarestong drug suspect na nakumpiskahan ng iligal na droga, M203 grenade at rifle grenade sa operasyon noong Enero 28, 2022.

Ito’y matapos ang isi­nagawang beripikasyon sa rekord ng suspek na kinilalang si Fahad Alih Dumayag, alyas Rustom/Abu Cola , 31.

Ayon kay Macaraeg, nadakip si Dumayag sa buy-bust operation na isinagawa ng magkasanib na pwersa ng District Drug Enforcement Unit, District Intelligence Division, District Mobile Field Battalion ng SPD at Sub-Station 7 ng Taguig Police, na nasamsaman ng 12 gramo ng shabu na may halagang P81,600, M203 grenade at rifle grenade.

Sa custodial debrie­fing sa suspek na isina­gawa ng DID, Joint Task Force ng National Capital Region katulong ang isang confidential informant, natukoy na miyembro ng ASG si Dumayag sa ilalim ng pamumuno nina  Espilon Hapilon, Jamiri at Undanan  na sinasabing sangkot sa pagdukot sa mga miyem­bro ng Jehovah’ Witnesses at Lamitan siege, kung saan kinontrol nila ang isang ospital at simbahan noong Hunyo 2001 at hinostage ang mga pari at medical staff ng St. Peter Hospital.

Umamin umano si Dumayag na tagasunod siya ng nasabing extre­mist group.

Ikinatuwa naman ni NCRPO chief, P/Major General Vicente Danao Jr, ang pagtutulungan ng mga pulis at militar kaya natukoy na isang ASG member si Dumayag alyas Abu Cola.

“A victim-witness physically identified Abu Cola as one of her kidnappers and a member of ASG,” pahayag pa ni Macaraeg.

Sa ating patuloy na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang law enforcement agencies ay ating madadakip ang mga tero­rista na naghahanap ng kanlungan sa ating nasasakupan. Makakaasa kayo na hindi natatapos kay alyas Abu Cola ang operasyon kontra sa mga teroristang naghaha­ngad na sirain ang ating payapang komunidad,” dagdag pa niya.

vuukle comment

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with