Walang taas pasahe – LTFRB
MANILA, Philippines — Walang magaganap na taas pasahe sa lahat ng pampublikong sasakyan sa bansa lalo na sa mga jeep, bus, AUVs at online vehicles tulad ng Grab taxi.
Ito ay makaraang isnabin at hindi aksyunan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga petisyon mula sa ibat-ibang transport group para sa taas pasahe .
Magugunitang Ilang samahan ng jeepney group ay nagsampa kamakailan sa LTFRB na maitaas ang pasahe sa jeep dahil sa serye ng oil price hike na lubhang nakaapekto sa kanilang kabuhayan dahil sa bumabang kita dahil sa tumaas na presyo ng krudo.
Sinabi ni LTFRB chairperson Martin Delgra na walang magaganap na fare hike sa mga pampasaherong sasakyan dahilan sa iniiwasan ng Department of Transportation (DOTr) na pahirapan ang mga commuters.
Ayon kay Delgra na mas nakatutok ngayon ang DOTr na tugunan ang pangangailangang pinansyal ng sektor ng pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng mga service contract program at “Pantawid Pasada” cash aid kaysa sa pagtaas ng pamasahe.
Sa ngayon ang presyo ng kada litro ng krudo ay P57 at P62 naman ang gasolina o may mahigit P1 halaga taas kada litro.
- Latest