^

Metro

2 barker huli sa pagbebenta ng pekeng vaccination cards

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Diretso sa kulungan ang dalawang barker makaraang mahuli sa kanila ang mga pekeng vaccination cards na ibinibenta nila sa mga pasahero para makasakay sa mga jeep sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga naaresto na sina Alex Batayan, 39 at Eddie Garcia, 46, kapwa nakatira sa Malibay, Pasay City.

Sa ulat ng Pasay City Police, una silang nakatanggap ng impormasyon sa pagbebenta ng mga barker sa terminal ng jeep sa may Apelo Cruz St., sa Brgy. 151 Malibay, ng mga pekeng vaccination cards sa mga pasahero na hindi pa bakunado o naiwanan ang kanilang vax cards sa halagang P500 para payagan silang makasakay.

Agad na nagkasa ng operasyon ang mga pulis at naaktuhan ang dalawang suspek na pasok sa deskripsyong ibinigay sa kanila. Nang kanilang sitahin at kapkapan ang mga suspek, nadiskubre sa posesyon nila ang isang hinihinalang pekeng vaccination card at isang cellular phone na naglalaman ng kanilang transaksyon.

Nakaditine ngayon ang mga suspek sa Pasay City Police Station -Detention Center at nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso sa Prosecutor’s Office.

vuukle comment

PASAY CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with