^

Metro

DOJ nais ilipat ng piitan si Kerwin Espinosa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Matapos mabuko ang planong pagtakas

MANILA, Philippines — Makaraan ang umano’y tangkang pagtakas, nais nga­yon ng Department of Justice (DOJ) na ilipat ng bilangguan ang umamin na drug dealer na si Kerwin Espinosa.

“We believe that Kerwin Espinosa should be transferred to a more secure detention facility in view of the numerous cases that he is currently facing,” pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Nais ng DOJ na mailipat si Espinosa sa pinakaligtas at mahigpit na binabantayan na bilangguan ng Bureau of Jail Management and Penology.  Sa mga pasilidad ng BJMP umano ordinaryong dinadala ang mga bilanggo na walang piyansa sa kaso at naghihintay ng paglilitis sa kanilang kaso.

Ito ay makaraang mapigil ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y pagtakas ni Espinosa at dalawa pang inmate ng NBI Custodial Center nitong Enero 13.

Nadiskubre sa isinagawang inspeksyon ang isang exhaust fan na nakakabit sa kisame na may malaking butas na kasya ang isang tao.

Ngunit bago mailipat si Espinosa ay kailangan ng ‘commitment order’ mula sa korte. Habang ang korte ang maglalabas nito, irerekomenda naman ng DOJ ang pinakamahigpit na kulungan para kay Espinosa at sa dalawang kasamahan niya na nagtangkang tumakas.

vuukle comment

DOJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with