Estudyante dedo sa motorsiklo
MANILA, Philippines — Patay ang isang estudyante nang mawalan ng kontrol ang minamaneho niyang motorsiklo sa Malabon City, kamakalawa ng madaling araw.
Dead-on-the-spot si Hyver-Zon Rendon, 18, ng PNR Compound, Samson Rd, Brgy. 73, Caloocan City dahil sa tinamong pinsala sa ulo.
Sa report ni PEMS Francisco Verzosa kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong ala-1:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Victoneta Avenue sa Brgy. Potrero, Malabon City.
Base sa CCTV footage sakay ang biktima sa isang Yamaha Mio at mabilis na tinatahak ang naturang lugar nang tumama sa isang hump.
Nawalan ng kontrol ang biktima sa motorsiklo hanggang sa sumemplang at tumama ang kanyang ulo sa semento na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.
- Latest