^

Metro

‘Pollutants’ sa Manila Bay pasaway pa rin sa utos ng SC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Pollutants� sa Manila Bay pasaway pa rin sa utos ng SC
Sinabi ni Moreno na marami pa ring pribadong kumpanya ang hindi pa nakakatugon sa Supreme Court Mandamus ruling na inilabas noon pang Disyembre 18, 2008 na inaatasan ang 13 ahensya ng pamahalaan na magsagawa ng paglilinis, rehabilitasyon, at preserbasyon ng Manila Bay upang maibalik ang tubig nito sa SB level para maaaring magamit sa paglangoy, pagsisid, at iba pang recreation.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Binalaan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang mga pribadong kumpanya na natukoy na mga “pollutants” o dumudumi sa Manila Bay dahil sa patuloy na hindi pagsunod sa kautusan ng Supreme Court (SC) na isailalim sa rehabilitasyon ang kanilang pasilidad para mapalinis ang dagat.

Sinabi ni Moreno na marami pa ring pribadong kumpanya ang hindi pa nakakatugon sa Supreme Court Mandamus ruling na inilabas noon pang Disyembre 18, 2008 na inaatasan ang 13 ahensya ng pamahalaan na magsagawa ng paglilinis, rehabilitasyon, at preserbasyon ng Manila Bay upang maibalik ang tubig nito sa SB level para maaaring magamit sa paglangoy, pagsisid, at iba pang recreation.

Inatasan din ni Department of the Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang mga pasilidad at establisimyento sa paligid ng Manila Bay na maglagay ng sarili nilang “sewage treatment plants” upang hindi na maitapon ang kanilang mga dumi sa mga estero na bumabagsak din sa dagat.

Ipinaliwanag ni Moreno na isa ito sa dahilan kung bakit isinailalim sa rehabilitasyon ang Manila Zoo na nagsagawa na ng ‘soft opening’ nitong Disyembre 30 para sa mga trabahador na nagtrabaho dito at kanilang pamilya.

Umaasa ang alkalde na sa pangunguna ng lokal na pamahalaan sa pagsunod sa mandamus ruling ay susunod na rin ang mga pribadong sektor.

vuukle comment

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with