^

Metro

Libreng sakay sa Rizal Day, handog ng MRT-3

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May handog na libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa mga train commuters nito, bukas, Disyembre 30, 2021, kasabay nang paggunita sa Rizal Day.

Ayon sa MRT-3, ito’y bilang pakikiisa nila sa paggunita at pag-alala ng buong bansa sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal.

Nabatid na ang libreng sakay ay maaaring i-avail ng mga pasahero mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM, at mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM sa nasabing petsa.

Samantala, aalis ang ­unang tren ng MRT-3 mula sa North Avenue station ng 4:40 AM at mula sa Taft Avenue station ng 5:26 AM. Ang huling tren naman ng linya ay aalis mula sa North Avenue station ng 9:30 PM at mula sa Taft Avenue station ng 10:16 PM.

Upang mapanatili namang ligtas ang biyahe ng mga pasahero, mahigpit pa ring ipinatutupad ang COVID-19 health and safety protocols sa buong linya, gaya ng pagbabawal kumain, uminom, makipag-usap sa telepono, at magsalita sa loob ng mga tren. Mahigpit ding ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask samantalang boluntaryo ang pagsusuot ng face shield.

vuukle comment

MRT 3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with