Meralco, may taas-singil ngayong Disyembre
MANILA, Philippines — Magtataas muli ng singil ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Disyembre.
Ayon sa Meralco, magpapatupad sila ng P0.314 per kilowatt hour (kwh) na taas-singil ngayong buwan bunsod na rin ng mas mataas na generation charge.
Nabatid na ito ay katumbas ng P62 na dagdag sa bayarin ng mga tahanang kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan, P93 naman para sa kumokonsumo ng 300 kwh, P134 para sa mga nakakagamit ng 400 kwh, at P155 para sa mga kabahayang kumokonsumo ng 500 kwh kada buwan.
Ito na ang ikasiyam na sunud-sunod na buwang may dagdag-singil sa kuryente ang naturang electric company.
- Latest