^

Metro

Muling pagpapatupad ng number coding nagpaluwag ng daloy ng trapiko - MMDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Muling pagpapatupad ng number coding nagpaluwag ng daloy ng trapiko - MMDA
Sinabi ni MMDA Traffic Engineering Center chief Director Neomie Recio, sa panayam ng DZBB nitong Linggo na tuluy-tuloy lang naman ang galaw ng mga sasakyan kahit rush hours, na dating hindi gumagalaw ang daloy.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Epektibo ang muling pagpapatupad ng number coding scheme na nagpaluwag sa daloy ng trapiko kahit pa rush hours, ayon sa isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ito ang naging obserbasyon sa mga unang araw na sinimulan ang reimplementation ng number coding scheme.

Sinabi ni MMDA Traffic Engineering Center chief Director Neomie Recio, sa panayam ng DZBB nitong Linggo na tuluy-tuloy lang naman ang galaw ng mga sasakyan kahit rush hours, na dating hindi gumagalaw ang daloy.

Hindi umano nagtatagal ang heavy traffic kahit alas-3 hanggang alas-4 pa lang ng hapon ay nasa kalye na.

Pagdating aniya, ng alas-8 ng gabi, malinis na ang mga kalye, na hindi na gaya ng dati.

“We were surprised on Sunday, at 8 in the evening, [the road was clearer.] During that time, it is usually carmageddon out there,” dagdag pa niya.

Nabatid na umabot sa 51 motorista ang natiketan sa unang araw ng pagpapatupad ng number coding kung saan, binayaran ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang multa ng mga ito.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with