^

Metro

94.81% ng PDLs, bakunado na - BJMP

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot na sa 119,070 persons deprived of liberty (PDLs) ang nabakunahan na laban sa COVID-19.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Chief Inspector Xavier Solda na ang naturang bilang ay 94.81% ng kabuuang 125,589 PDLs na nasa kanilang pangangalaga.

Sa naturang bilang, 95,813 ang fully vaccinated o nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna.

Sinabi ni Solda na target nilang mabakunahan ang lahat ng PDLs bago matapos ang taong ito.

Iniulat din naman ni Solda na sa ngayon ay mayroon na lamang nag-iisang kaso ng COVID-19 sa mga PDLs.

Ito na rin aniya ang ika-8 araw na hindi nakapagtala ang BJMP ng bagong kaso ng COVID-19 sa kanilang mga bilangguan.

Nabatid na ang BJMP ay nakapagtala ng 4,672 kaso ng sakit sa mga PDLs simula Marso 2020.

Dito ay 4,552 ang fully recovered na at 50 ang PDLs with comorbidities na namatay.

Samantala, magpapatupad ang BJMP ng ‘no contact visitations’ para sa mga PDLs na nasa mga lugar na low risk areas ngayong panahon ng kapaskuhan.

Aniya, kailangan ng mga bisita na magdala ng balidong government-issued IDs, gayundin ng vaccination cards bilang pruweba na sila ay fully-vaccinated na laban sa COVID-19.

Kailangan din umano ng mga ito na maghintay ng visi­ting schedule upang maiwasan ang mahabang pila at upang matiyak na magkakaroon ng crowd control.

“Bale ngayong resumption ng granular opening of non-contact visitation, ang magiging sistema natin sa jail ay isang pamilya lamang ang papayagan sa mga dadalaw. Bawal muna ang mga bata at hanggang isang oras lamang po ang papayagan na oras ng dalaw,” dagdag pa niya.

Ang mga itinalagang BJMP facilities ay maglalagay ng mga physical barriers bilang precautionary measure laban sa COVID-19, para sa mga PDLs at kanilang mga kapamilya na bibisita sa kanila.

vuukle comment

BJMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with