Makati LGU nangangailangan pa ng mga doktor
MANILA, Philippines — Nangangailangan ng karagdagang doktor ang Makati City government para mas mapalakas ang serbisyo at kakayahan ng kanilang city hospitals at health facilities sa patuloy na pandemya.
Sa ipinaskil na anunsyo ng Makati City local government unit (LGU) bukas sa mga aplikante ang Medical Officer III na may sahod na mahigit P1-milyon at mga benepisyo sa kada taon.
Idinetalye dito na sasahod ng P1,059,685 ang Medical Officer III sa bawat taon o P59,353.00 basic salary kada buwan.
Bukod pa rito ang benepisyong makukuha rin sa bawat buwan na Personal Economic Relief Allowance na P2,000; Magna Carta of Public Health Workers Hazard Pay na P7,715 o COVID-19 Hazard Pay sa panahon ng ECQ;
Subsistence Allowance – na P1,000; Laundry Allowance na P150; Ang taunang benepisyo naman ay Mid-year Bonus na P59,353; Year-end Bonus na P59,353; Additional Benefits na P59,153; Cash Gift na P5,000; Incentive Pay –na P12,000; Productivity Enhancement Incentive na P5,000; Clothing Allowance na P6,000.
Sa mga interesado, kailangan sa pag-aaplay ang liham na naka-address kay Mayor Abby Binay sa pamamagitan Dr. Vergel Binay, MHD officer-in-charge,
Resume; Authenticated PRC ID/Board Rating; Authenticated Transcript of Records; Diploma; at Declaration of Filiation in the Government. Ipadala ang requirements sa pamamagitan ng email sa [email protected] o maari namang direktang dalhin sa Makati Health Department (MHD) office , sa ika-7 palapag ng Makati City Hall Building 1.
- Latest