^

Metro

2 iskul sa Quezon City, handa na sa face-to-face classes sa Lunes

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
2 iskul sa Quezon City, handa na sa face-to-face classes sa Lunes
Staff of Dagat Dagatan Elementary School in Navotas City prepare the classroom and other materials needed on Sept. 16, 2021 once the government allows the resumption of face-to-face classes.
The STAR / Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Handa na ang dalawang eskwelahan sa Quezon City para sa pilot ng face-to-face classes sa Lunes, Dis­yembre 6.

Ayon kay ­Quezon City Mayor Joy ­Belmonte, ito ay matapos aprubahan ng Department of Education (DepEd) ang face-to-face classes sa Bagong Silangan Elementary School at Payatas B Annex ­Elementary School sa Brgys. Bagong Silangan at Payatas.

Ayon kay Belmonte, ang dalawang eskwelahan ay kasama sa 28 eskwelahan sa Metro Manila na magsasagawa ng face-to-face classes.

Nabatid na sumailalim na sa safety assessment ng DepEd at Department of Health ang nabanggit na mga eskwelahan.

“Ikinatutuwa ng pamahalaang lungsod na magiging bahagi ng pilot face-to-face classes ang dalawa sa ating mga pampublikong paaralan. Makatitiyak ang mga magulang na magi­ging ligtas ang kanilang mga anak, maging ang mga guro, sa kanilang pagbabalik-eskwela,” pahayag ni Belmonte.

Idinagdag pa ng alkalde na mayroong isolation rooms at on-standby ambulance ang dalawang eskwelahan.

Mayroon ding tubig, sanitation at hygiene (WASH) facilities, pro­per ventilation sa mga silid-aralan, sapat na espasyo para sa  physical distancing ang mga paaralan.

May nakalagay din na physical barriers, markers at signages.

vuukle comment

CLASS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with