^

Metro

Pinakamababang bilang ng COVID-19 patient naitala ng PGH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot na lamang sa 54 pasyente na may COVID-19 ang nakaratay ngayon sa Philippine General Hospital (PGH) na siyang pinakamababang rekord ng pagamutan sa higit isang taon.

Sinabi ni R. Jonas del Rosario, spokesman ng PGH na dahil dito ay nagawa na nilang buksan ang tatlo sa apat nilang COVID ward para naman sa mga non COVID patient.

“The one good news I was the told, for the last 2 days we have not admitted anybody with COVID. Our numbers are continuously going down,” ayon kay Del Rosario.

Sinabi niya na bihirang-bihira na bumaba sa “double digit” ang bilang ng mga pasyente na naka-admit sa kanila dahil sa karaniwang higit sa 100 ang COVID patients.  Umaasa pa rin naman sila na bababa na ang bilang ng kanilang COVID-19 patients sa 20 sa mga susunod na araw.

Itinuro ni Del Rosario ang pagbaba ng bilang ng pasyente sa nalalapit na pag-abot sa ‘herd immunity’ ng Metro Manila dahil sa patuloy na pagbabakuna ng pamahalaan.

Sa kabila nito, nanawagan si Del Rosario sa pamahalaan na itaas ang sahod ng mga medical workers sa bansa para hindi napipilitang umalis at upang may sapat na tauhan sa oras na muling tumama ang “surge” dahil sa pinangangambahang Omicron variant.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with