^

Metro

2 wanted na Koreano, huli sa Taguig

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI)-Fugitive Search Unit ang dalawang South Korean national  dahil sa kasong panggagantso sa kanilang mga kababayan sa pamamagitan ng ‘te­lecommunications fraud’ sa Taguig City.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga nada­kip na sina Han ­Juyoung at Kim Sihun, kapwa 26-anyos. Naaresto sila sa magkahiwalay na pagsalakay sa dalawang condominium units sa Taguig City.

Inaresto ang dalawa sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Seoul Central District Court noong Mayo 2020 dahil sa kasong fraud.

Sinabi ni Morente na agad na ibibiyahe pabalik ng South Korea ang dalawa dahil sa nakalabas na ang kautusan para sa kanilang ‘summary deportation’ na noong nakaraang taon pa inisyu ng BI board of commissioners.

Ilalagay rin ang kanilang mga pangalan sa immigration blacklist para hindi na makabalik ng bansa bilang “undesirable aliens”.

Nabatid na may nakaisyu nang “red notice” sa dalawa mula sa Interpol. Aabot umano sa 29 mil­yong won o 25,000 US dollars ang natangay ng dalawa sa kanilang mga biktima gamit ang “voice phising method” kung saan ginagamit nila ang mga financial institutions na nagpapautang para manloko sa kanilang mga biktima.

Nakaditine ang dalawa sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang hinihintay ang kanilang deportasyon.

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with