^

Metro

Number coding umpisa na ngayong hapon! - MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Number coding umpisa na ngayong hapon! - MMDA
Ayon sa MMDA Resolution No. 21-30, nabatid sa ginawang survey at pagsusuri sa biyahe ng MMDA Traffic Engineering Center, patungo na ang trapiko sa Metro Manila sa ‘pre-pandemic level’.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Muling ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ngayong Miyerkules ng hapon ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o ang ‘number coding scheme’ upang mapaluwag ang trapiko tuwing rush hour.

Ipatutupad ang coding mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes, maliban tuwing holidays.

Ayon sa MMDA Resolution No. 21-30, nabatid sa ginawang survey at pagsusuri sa biyahe ng MMDA Traffic Engineering Center, patungo na ang trapiko sa Metro Manila sa ‘pre-pandemic level’.

Ayon sa datos, nasa 9.66 kilometers per hour na lamang ang travel speed sa northbound portion ng EDSA tuwing rush hour sa hapon kaya kailangang ibalik ang number coding.

Nilinaw kahapon ni MMDA Chairman Benhur Abalos na sakop lamang ng number co­ding ang mga pribadong behikulo.  Ang mga plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay sakop ng coding tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes at 9 at 0 tuwing Biyernes.

Hindi kasama sa coding ang mga pampublikong sasakyan, transport network vehicles services (TNVS), motorsiklo, trak ng ba­sura, trak ng petrolyo, at sasakyang may dalang mga perishable goods.

Tinatayang aabot sa 2,700 behikulo ang mababawas sa EDSA pa lamang sa mga oras ng number coding.

Nabatid na magpapatupad rin ng ‘light truck ban’ sa EDSA.  ­Ipagbabawal na dumaan sa EDSA mula Magallanes sa makati City hanggang North ­Avenue sa Quezon City ang mga trak mula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi mula lunes hanggang Biyernes, maliban kung holiday.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with