Bronze sa National Bike Lane, nabuslo ng Quezon City LGU
MANILA, Philippines — Nabuslo ng Quezon City government ang bronze sa National Bike Lane Awards na isinagawa ng Department of Transportation (DOTr) and Department of the Interior and Local Government (DILG) .
Ang parangal ay bilang pagkilala ng DILG sa LGU na may mahusay na patakaran at hakbang sa pagkakaroon ng bike lanes sa kanilang lugar.
Ang entries ay mula sa ibat-ibang bahagi ng bansa na sumailalim sa national validation at ang napiling qualified LGUs ay sumailalim sa pagbusisi batay sa background profile ng bike lane network at policy initiatives; bike lane network/s at iba ang data at information requirements.
Ang QC Bike Lane Network ay minamantina ng Green Transport Office sa ilalim ng Department of Public Order and Safety na may 93-kilometer bike lane network, traversing major at secondary roads sa lungsod.
Inaasahang makukumpleto na rin ng QC LGU ang 161-kilometer bike route para sa mas mahabang paglalakbay ng mga bikers. Bukod sa pagpapahaba ng bike routes, ang QC LGU ay may ibat-ibang mga ordinansa hinggil sa safe cycling at active transport, ‘no bike helmet’ policy, at voluntary bike registration program .
Tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang award para sa QC LGU.
“In QC we would like to be considered as a bike-friendly and eco-friendly city, that is why we want to make sure that from infrastructure to the policies, we do it all. And we have to really make our bike lanes safe for everyone,” dagdag ni Mayor Belmonte.
Nitong November 28, isa ang QC government sa hanay ng mga lokal na pamahalaan sa bansa na nakiisa sa pagdiriwang ng National Bicycle Day sa Quezon Memorial Circle.(Angie dela Cruz)
- Latest