^

Metro

Makabagong bike lanes sa Quezon City ikinatuwa ng mga siklista

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Makabagong bike lanes sa Quezon City ikinatuwa ng mga siklista
This file photo shows a pilot test for bike lanes on EDSA in 2020.
STAR/Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Lubos ang kasiyahan ng mga grupo ng mga siklista sa kautusan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na pagandahin at gawing ligtas pa ang mga “bike lanes” na ngayon ay halos 178 kilometro na ang haba sa buong lungsod.

Sa pahayag ni Valentino Araojo ng Batch 80 Sunday Road Bike Warriors, malaking tulong sa kanila ang makabagong bike lanes. Hindi siya nangangamba na may pipina sa kanila.

Ayon naman sa mga siklista na sina Joel Malabanan ng Brgy. Culiat at Francis Gonzales, ng Brgy. Damayan, mas marami ang mahihikayat na magbisikleta dahil nabibigyan na ng prayoridad ng pamahalaang lungsod ng Quezon at ni Mayor Belmonte ang kaligtasan ng bikers.

Ayon kay Assistant City Administrator Alberto Quimpo, marami pang naka-linyang mga pagbabagong mangyayari, alinsunod sa programa ni Mayor Belmonte para maprotektahan ang mga siklista sa paggamit ng mga bike lanes ng lungsod.

Sa ngayon ang mga bike lanes ay may mga temporary at semi-permanent traffic seperation devices upang protektahan ang mga siklista na sa kalaunan ay magiging permanente na ang mga barriers na maghihiwalay sa mga nagbibisikleta sa ibang mga sasakyan sa mga kalsada.

Katuwang din ng lokal na pamahalaan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na siyang naglagay ng hanay ng mga ‘cats eye’ o mga ilaw sa daan kung gabi, upang maging tanda na ang bahaging iyon ng kalsada ay mga itinakdang bike lanes.

Samantala, ang City Council naman ay nagpasa na rin ng Safe Cycling and Active Transport as an Alternative Mode of Tansporatation Ordinance na nakapag-tatag ng ‘Bicycle and Active Transport Section (BATS)’ na isinailalim sa pamamahala ng lokal na Department of Public Order and Safety (DPOS).

Inaatasan ng ordinansang ito ang DPOS na kumuha ng tatlumpung (30) mga ‘traffic aides’ upang mangasiwa sa mga bike lanes sa lungsod.

vuukle comment

BIKE LANE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with