^

Metro

Magsuot ng helmet, paalala ni Mayor Belmonte sa mga cyclist

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Magsuot ng helmet, paalala ni Mayor Belmonte sa mga cyclist
Si QC City Mayor Joy Belmonte makaraang tikitan ng mga tauhan ng Department of Public Order and Safety ng Quezon City LGU makaraang walang suot na helmet sa isinagawang Cycle to End Violence Against Women bike event. Bukod kay Belmonte, hinuli rin si Cherie Atilano ng UN Food System Champions na wala ring suot na helmet sa event. Kapwa sila pinagmulta ng tig-P300.
Quezon City LGU

MANILA, Philippines — Isa si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga biker na hinuli at tinikitan ng Department of Public Order and Safety dahil sa hindi pagsusuot ng helmet habang nagbibisikleta sa isinagawang Cycle to End Violence Against Women bike event.

Bukod kay Belmonte, hinuli rin si Cherie Atilano ng UN Food System Champions na wala ring  suot na  helmet sa event.

Kapwa pinagmulta sina Belmonte at Atilano ng P300 dahil sa paglabag sa City Ordinance 2942-2021.

Ayon kay  Mayor Belmonte, isa sa participants ng  Cycle for VAW bike event ang walang helmet kaya nagdesisyon siya na ibigay ang kanyang  protective gear sa kanyang  fellow biker.

“I commend our DPOS for strictly implementing our ordinance kasi wala silang sini-sino kapag nagpapatupad ng batas,” pahayag pa ng alkalde.

Nagpaalala rin ito sa mga bikers na magsuot ng helmet at sumunod sa mga patakaran para na rin sa kanilang kaligtasan.

Ang aktibidad ay magkakasamang nailunsad  ng QC LGU  kasama ang Embassies ng  Netherlands at Austria, Philippine Commission on Women, Spark Philippines, at mga non-government organizations bilang paggunita sa 18-day campaign na mawakasan ang karahasan sa mga kababaihan at pagdiriwang sa ikatlong taong ani­bersaryo ng  #RespetoNaman Movement.

Ang mga participants ay nagbisikleta sa   bike lanes ng  QC Hall, Elliptical road hangganh  Agham Road at pabalik.

“Through this event, we hope to spread awareness among the general public about the importance of protecting the rights of women and girls by addressing all forms of gender-based violence,” dagdag ni Mayor ­Belmonte .

Ang QC ay isa sa kinikilalang champions sa panganga­laga sa  gender rights sa bansa.

Ang aktibidad ay bahagi rin ng pagdiriwang ng  QC sa National Bike Day noong November 18, 2022.

Kasama rin sa okasyon sina Vice Mayor Gian Sotto, Ambassador of the Kingdom of Netherlands to the Philippines Saskia De Lang, Ambassador of Austria to the Philippines Bita Rasoulian, Philippine Commission on Women Chairperson Sandra Montano, Bikers United Co-Founder Ann Angala, Kabataan Partylist Representative Sarah Elago, Councilors Irene Belmonte, Ivy Lagman, Peachy De Leon, at Mayen Juico, mga  city department heads at iba pang  opis­yales ng lokal na pamahalaan

Pinaalala rin ng city go­vernment sa lahat ng bikers at  motorista na sundin ang rules at  health protocols para matiyak ang kalusugan.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with