^

Metro

Traslacion 2022 malabo pa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Traslacion 2022 malabo pa
The annual procession of the Black Nazarene is set on its feast day, January 9.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hindi pa nakikita ng Manila Police District (MPD) na may magaganap na prusisyon para sa Traslacion sa Pista ng Itim na Nazareno sa Enero 2022 dahil sa patuloy pa rin namang umiiral ang COVID-19 pandemic.

Sinabi ni PLt .John Guaqui, station commander ng Sta. Cruz Police Station 3 ng MPD, na ito ang inisyal na napagkasunduan sa ginawang pulong ng mga lider ng Minor Basilica ng Quiapo bilang maagang paghahanda sa Pista.

Sa inisyal na pag-uusap, rereplikahin na lamang ang ginawa noong nakaraang Pista ng Itim na Nazareno noong Enero 9, 2021 na ibayong maghihigpit para hindi na maulit ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Wala ring plano na ibalik ang pahalik sa Quirino Grandstand habang “Padungaw” na lamang sa simbahan ang isasagawa para masilayan ng mga deboto ang poon.

Sa kabila na walang prusisyon na magaganap, inaasahan naman na mas maraming misa ang isasagawa sa ­Quiapo Church at iba pang simbahan dahil sa mas maluwag na Alert Level 2 sa Metro Manila.

Sa kabila nito, inisyal na mga plano pa lamang ito at maaari pang magbago habang patuloy ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with