Universidad De Manila pwede na sa F2F classes
MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy na ang pagsasagawa ng limitadong ‘face-to-face classes’ sa Universidad de Manila makaraang tanggapin na ang “Certificate of Authority” mula sa Commission on Higher Education (CHED).
Tinanggap ni Moreno kasama si UDM President Dr. Felma Carlos-Tria ang COA para sa pagsasagawa ng limitadong ‘face-to-face classes sa mga kursong BS Nursing at BS Physical Therapy.
Ito ay makaraang makatugon umano ang UDM sa mga requirements ng CHED at ng Department of Health kabilang modipikasyon sa mga silid-aralan para sa kaligtasan ng mga guro at mag-aaral.
Kasama rin dito ang instalasyon ng ‘floor markings’ para sa social distancing, pagbabago sa iskedyul ng klase, sanitasyon, paglalagay ng automatic alcohol dispensers at handwashing stations, QR code-based contact tracing, isolation tent, at manual sa paglaban sa COVID-19.
Lahat umano ito ay gagayahin sa ibang programa ng UDM para makapasa ang ibang kurso sa ‘face-to-face classes’ habang nasa Alert Level 2 ang Metro Manila.
- Latest