^

Metro

4 kalaboso sa P3 milyong shabu

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang babae na notoryus umanong ‘tulak’ ng iligal na droga maging ang tatlo pang drug suspek na nalambat ng Manila Police District sa ikinasang buy-bust operation sa Port Area, Maynila.

Kinilala ang target ng operasyon na si Norma Batua, 40, nakatira sa 12th Street, Brgy. 650 Baseco Compound, Port Area, ng naturang lungsod. Nakilala naman ang sinasabing mga buyer na sina alyas Toto, 39; isang alyas Murphy, 39; at alyas Danica.

Base sa ulat ni P/ Lt.Col. Robert Domingo, Station Commander ng MPD-Station 13, bandang alas-2:30 ng hapon, nang isagawa ang buy-bust sa kahabaan ng 12th Street sa Port Area.

Matagumpay na nakabili ng shabu ang mga pulis kay Batua kaya nagbigay na ng hudyat ang poseur buyer dahilan para sumulpot ang mga kasamahang pulis at ­arestuhin ang mga suspek.

Anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu ang narekober ng mga awtoridad na tumitimbang umano ng 51.9 na gramo at may halagang P352, 000.00.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o.Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila City Prosecutors Office ang mga suspek.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with