^

Metro

Number coding posible nang pairalin

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Number coding posible nang pairalin
Una rito ang pagsisimula ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga; ikalawa ay simula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi lamang; at ikatlo ay ang buong araw simula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi.
Philstar.com/Deejae Dumlao, file

MANILA, Philippines — Plano na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pairalin muli ang number ­coding scheme sa National Capital Region (NCR) bago magtapos ang buwang ito o pagpasok ng Disyembre dahil sa patuloy na pagbigat ng daloy ng trapiko .

Sinabi ito ni MMDA Director Noemie Recio na nakabinbin pa naman ang plano  at wala pang pinal na desisyon dahil hinihintay pa ang pag-apruba rito  ng Metro Manila Council (MMC).

“The pre-pandemic volume is 405,000. We are expecting by this Christmas season, it will be nearing 405,000 or over 405,000 a day,” aniya.

Gayunman, may tatlong opsyon na nakahain sa pagpapatupad ng number coding na tatalakayin at pag-aaralan pa sa susunod na pagpupulong ng 17 Metro mayors.

Una rito ang  pagsisimula ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga; ikalawa ay simula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi lamang; at ikatlo ay ang buong araw simula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi.

Aniya, araw-araw ay tu7mataas ang volume ng mga sasakyan at hindi na bumababa na halos kapareho na noong ‘di pa nagkakaroon ng pandemic.

Una nang sinabi ni Abalos kamakailan na posibleng ibalik ang number coding system kung patuloy pa rin ang pagbigat ng daloy ng trapiko.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with