^

Metro

Metro Manila mayors ipinaubaya sa IATF ang guidelines sa pagpasok ng minors sa malls

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Metro Manila mayors ipinaubaya sa IATF ang guidelines sa pagpasok ng minors sa malls
Children with their companion entering mall in Quezon City while Metro Manila Mayors are eyeing the possible age restriction for minors in shopping malls (November 18, 2021).
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — ‘Status quo’ o ma­nanatili pa rin ang isinasaad na panuntunan sa ilalim ng Alert Level 2 kung saan pwedeng pumasok ang mga menor-de-edad sa malls sa National Capital Region (NCR).

Ito ay dahil sa wa­lang nabuong desis­yon ang Metro Manila Council (MMC) sa isi­nagawa nilang pagpupulong noong Huwebes ng gabi.

Sa halip, ibinalik ng may 17 Metro Manila mayors sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagbuo ng guidelines sa mobility restrictions ng mga batang nasa edad-12 pababa.

Ipinaliwanag kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Aba­los na ang aksyon ay ginawa ng mga alkalde para hindi muna magkaroon ng kalituhan habang pinag-uusapan pa ang isyu.

Masyado umanong sensitibo ang usapin at mas karapat-dapat na ang IATF ang magpasiya dahil kinakaila­ngan ang masusing pag-aaral ukol dito at mga pahayag ng mga eksperto.

vuukle comment

COVID-19

MINOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with