^

Metro

2 bebot nasagip, 3 huli sa sex trafficking

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang dalawang babae na ikinulong umano ng mga miyembro ng isang sindikato ng sex trafficking at ibinebenta sa mga parokyano sa Malate, Maynila noong Huwebes ng gabi.

Nakilala ang mga naarestong suspek na sina Jaime Manalili, 31; Brian Remillo, 34 at si Abraham De Guzman, 65.

Sa ulat ng Malate Police Station 9, una silang nakatanggap ng impormasyon na ikinukulong sa Honeli Apartment sa may Del Carmen Street sa Brgy. 727 Malate, ang ilang babae na ibinebenta ng sindikato sa kanilang mga parokyano.

Dakong alas-10:50 ng gabi nang magkasa ng entrapment operation ang mga pulis na nakipagtransaksyon sa sindikato para makakuha ng mga babae.

Nang magpositibo, dito na ipinatupad ng mga pulis ang pag-aresto at hinalughog ang mga kuwarto sa apartment dahilan para masagip ang dalawang babae.

Hawak na ngayon ng Manila City Social Welfare Division ang dalawang biktima habang nakakulong na ang tatlong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 na inami­yendahan ng RA 10364 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with