^

Metro

Park sa Valenzuela isinara dahil sa paglabag sa health protocols

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Park sa Valenzuela isinara dahil sa paglabag sa health protocols
Sa tweet ni Mayor Rex Gatchalian, bumubuo na sila ng bagong scheduling scheme para matugunan ang social distancing issues.
STAR / File

MANILA, Philippines — Muling isinara kahapon ng city government ng Valenzuela ang Valenzuela City Family Park sa Brgy. Karuhatan dahil sa mga paglabag sa health protocols.

Lunes nang buksan ng  city government ang park kalakip ang ilang timeslot system at protocol upang matiyak ang kaligtasan ng bawat Valenzuelano.

Subalit napansin ng city hall ang paglabag at hindi pagsunod ng mga dumarayo sa patakaran ng  parke.

Ilang tauhan sa parke ang nagsabi na posibleng sa sobrang kasabikan na lumabas at makapamasyal, hindi na napansin ng mga nagtutungo rito ang  kanilang mga paglabag.

Sa tweet ni Mayor Rex Gatchalian, bumubuo na sila ng bagong scheduling scheme para matugunan ang social distancing issues.

Maglalabas ng bagong anunsiyo ang Valenzuela LGU hinggil dito.

vuukle comment

REX GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with