^

Metro

Ex-Caloocan Rep. Cajayon-Uy, inabsuwelto sa PDAF scam

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ex-Caloocan Rep. Cajayon-Uy, inabsuwelto sa PDAF scam
Si dating Caloocan 2nd Dist Rep. Mitch Cajayon Uy, habang ipinapakita sa media ang desisyon ng Sandiganbayan na nag-aabsuwelto sa kanya sa kasong graft kaugnay sa pork barrel scam o Prio­rity Development Assistance Fund.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Inabsuwelto ng Sandiganbayan ang graft case ni dating Caloocan Second District Rep. Mitch Cajayon-Uy na may kinalaman sa ­Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Sa isang unanimous na desisyon ng Sandiganbayan Second Division, si Cajayon-Uy ay napawalang-sala sa dalawang counts ng Graft, isang count ng Malversation of Funds at isang count ng Malversation thru Falsification dahil sa kabiguan ng prosekusyon na maipakita at mapatunayang nagkasala ang mambabatas base sa mga ihinaing kaso laban sa kanya.

Magugunitang si Cajayon-Uy ay inakusahan ng umano’y maling paggamit ng kanyang P10 milyong discretionary PDAF noong Mayo at Hunyo 2009.

Ang mga reklamo ay inihain ng Public Assistance and Corruption Prevention Office ng Office of the Ombudsman noong 2015 at pagkatapos ay inihain sa Sandiganbayan noong 2018.

“Ang pagpapawalang-salang ito ay patunay lamang na inosente ako sa mga alegasyong ibinato noon sa akin at ang mga kasong isinampa laban sa inyong lingkod ay parte lamang ng pag-uusig ng nakaraang administrasyon sa mga kilalang may ugnayan kay dating Pangulong GMA,” ayon kay Cajayon-Uy.

Dagdag pa ni Caja­yon-Uy, mula nang siya ay nasakdal noong 2015 sa naturang kaso, siya at ang kanyang pamilya ay dumanas ng matin­ding stress at hirap sa pagtulog bukod pa sa dulot nitong dungis sa kanilang pangalan kung saan sila’y nabansagang ‘korap’ sa bunsod ng mga mapanirang at walang-katibayang alegasyon.

Ang desisyong ito ng Sandiganbayan ngayon para sa mambabatas ay isang katibayan na epektibo at patas pa rin ang sistema ng hustisya sa bansa.

vuukle comment

GRAFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with