^

Metro

Bahagi ng Cuneta Astrodome nasunog, vaccine sa minors naisalba

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bahagi ng Cuneta Astrodome nasunog, vaccine sa minors naisalba
Sa inisyal na ulat ng Pasay City-Bureau of Fire Protection, dakong alas-8:18 ng umaga nang magsimula ang sunog sa bahagi ng astrodome at ideklarang under control-10:32 ng umaga nitong Oktubre 10.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sumiklab ang sunog sa Cuneta Astrodome sa Pasay City kung saan idinaraos ang pagbabakuna sa mga menor- de-edad, kahapon ng umaga.

Naisalba naman ang mga Pfizer vaccines na nakatakda  sanang gamitin sa pagbabakuna.

Sa inisyal na ulat ng Pasay City-Bureau of Fire Protection, dakong alas-8:18 ng umaga nang magsimula ang sunog sa bahagi ng astrodome at ideklarang under control-10:32 ng umaga nitong Oktubre 10.

Nabatid na naghahanda pa lamang ang mga doktor at mga nurse at iba pang health personnel nang maganap ang sunog.Nasa 500 mga kabataan sana ang nakatakdang bakunahan kahapon.

Dahil dito, agaran ding iniutos ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na agad ilipat sa Mall Of Asia (MOA), Pasay City ang bakunahan upang hindi umano maantala.

Patuloy pang iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog at kung ano ang pinagmulan nito.

vuukle comment

PFIZER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with