^

Metro

Disente at murang pabahay, palalakasin ni Joy Belmonte sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang inagurasyon ng 3-storey Socialized Housing Project at 12-storey housing project sa Barangay Balingasa sa lungsod.

Ayon kay Mayor Belmonte, target ng pamahalaan na mabigyan ng disente at abot kayang pabahay ang mga residente sa QC.

“Sana maipamana ninyo ang bahay sa inyong mga anak, dahil sa future malaki na ang value ng mga property ninyo, na nabili niyo sa murang halaga. Iyan ang commitment natin sa mga taga-lungsod Quezon, abot-kayang pabahay. Para sa akin, dapat lahat mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng disente at murang pabahay at manirahan dito mismo sa QC,” pahayag pa ng alkalde.

Aabot sa 363 pamilya ang makikinabang sa Socialized Housing Project No. 32 ng lokal na pamahalaan.

Sa ngayon, target ng Quezon City na mabigyan ng bahay ang 17,000 na indigent families sa ilalim ng “Katiyakan sa Paninirahan” program.

Samantala, dalawang infrastructure projects ang ginagawa ngayon sa District 2. Ito ay ang 5-storey Evacuation Center at QC Megawide Emergency Healthcare Facility.

Ang  Evacuation Center ay mayroong sariling command center, sleeping quarters, showers at toilets, habang ang QC Megawide Emergency Healthcare Facility ay magiging permanent isolation center para sa mga residente na magpopositibo sa COVID-19.

vuukle comment

MAYOR JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with